Marcos sumabak agad sa mga pulong sa Malacañang
MANILA, Philippines — Balik-trabaho kahapon si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Malacañang sa pamamagitan ng pulong nila ni Executive Secretary Lucas Bersamin at ilang pribadong pulong.
Bagama’t walang official schedule ang Presidente, sinabi ni Presidential Communications Office Acting Secretary Cesar Chavez na pag-uusapan sa pulong nila ng Executive Secretary ang magiging agenda sa unang cabinet meeting ngayong 2025, na itinakda sa January 7.
“The President will be comparing some notes with the Executive Secretary today. Iyong iba, private meetings. This includes the agenda in the first cabinet meeting,” saad ni Chavez.
Balik na rin sa trabaho ang mga opisyal at kawani ng gobyerno matapos ang mahabang long weekend at pagsalubong sa Bagong Taon.Bukas na ang mga tanggapan ng gobyerno para magbigay ng serbisyo sa mga mamamayan.
- Latest