14K pulis ikakalat sa pista ng Itim na Nazareno
MANILA, Philippines — Nasa mahigit 14,000 pulis ang ikakalat para tiyakin ang seguridad sa Kapistahan ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila sa Enero 9.
Ito ang sinabi kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) acting director Brig. Gen. Anthony Aberin, kabilang sa police deployment ang 12,168 pulis para sa seguridad ng lugar at ruta ng Traslacion at 2,306 tauhan bilang karagdagang puwersa.
Sinimulan umano ang paghahanda sa taunang relihiyosong aktibidad na ito matapos ang inisyatibo ng Philippine National Police (PNP) na “Ligtas Paskuhan”, dagdag pa ni Aberin.
Ang paghahanda ng NCRPO sa Feast of the Black Nazarene ay kasunod ng matagumpay na paghahanda at maayos na implementasyon ng Ligtas Paskuhan ng Philippine National Police (PNP).
Sinabi ni Aberin na nasa 10,984 pulis ang ikinalat para sa peace and order mula Disyembre 16, 2024 hanggang Enero 1, 2025. Walang naitalang malaking krimen nitong Holiday Season.
Ani Aberin, hindi magbabago ang ruta ng Traslacion ng Itim na Nazareno na magsisimula sa Quirino Grandstand sa Luneta patungong Quiapo church.
- Latest