^

Police Metro

10-anyos lalaki utas, 6 kritikal sa ‘Goodbye Philippines’

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang 10-anyos na lalaki ang nasawi habang anim pa ang malubhang nasugatan nang masabugan ng ilegal na paputok na tinatawag na “Goodbye Philippines” habang sinasalubong ang taong 2025 sa Cebu City, kahapon ng madaling-araw, Enero 1.

Sa inisyal na ulat ng Talisay City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), bandang ala-1:00 ng madaling araw ­(Enero 1) nang maganap ang insidente sa Purok Camunggay, Brgy. Candulawan, sa lungsod.

Masaya umanong sinasalubong ng mga residente sa lugar ang Bagong Taon nang biglang may nagpaputok ng Goodbye Philippines at nasabugan ang batang lalaki at anim pang kapitbahay nito.

Dahil dito ay napawi ang kasiyahan ng mga residente nang makitang duguan ang mga biktima kaya agad silang nagpasaklolo sa mga otoridad.

Agad namang nag­responde ang mga tauhan ng CDRRMO nang matanggap ang mga ulat at isinugod sa kalapit na ospital ang mga biktima, subalit binawian ng buhay ang bata.

Nabatid na ang Goodbye Philippines ay kabilang sa mga paputok na mahigpit na ipinagbabawal ng mga otoridad.

FIRECRACKER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with