5 nasawi sa aksidente sa kalsada ngayong holiday season
MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Health (DOH) na umabot na sa 457 kabuuang bilang ng kaso ang naitalang road traffic incidents at lima rito ang nasawi.
Ang datos ng bilang ng mga nasangkot sa aksidente sa kalsada ay mula Disyembre 22 hanggang 6:00 ng umaga nitong Lunes, Disyembre 30.
Ayon sa DOH, lima ang patay sa kabuuang bilang at tatlo rito ay nasawi dahil sa aksidente sa motorsiklo.
Pinaalalahanan muli ng DOH ang publiko na siguraduhing magsuot ng helmet, drayber man o angkas, kapag sasakay ng motorsiklo.
- Latest