Babae na kayang kumain nang maraming cotton candy sa loob ng 60 seconds, nakatanggap ng Guinness record!
ISANG bagong Guinness World Record ang nasungkit ng speed eater na si Leah Shutkever matapos niyang maubos ang 49 grams ng kulay berdeng cotton candy sa loob lamang ng 60 segundo.
Ipinaliwanag ni Shutkever na kaya kulay green ang kinain niyang cotton candy ay dahil may tema itong “The Grinch” para sa kapaskuhan.
Para sa kanyang world record attempt, kailangang makakain si Shutkever ng 45 grams, na madali naman niyang nalampasan at nahigitan.
Bagamat natapos na may “malagkit na mga daliri at mukha,” masaya si Shutkever sa kanyang tagumpay at nadagdagan na naman ang kanyang Guinness world record sa kakaibang abilidad sa pagkain nang mabilis.
Bukod dito, hawak din ni Shutkever ang mga record para sa pagkain ng 19 chicken nuggets sa loob ng isang minuto at 10 jelly doughnuts sa loob ng tatlong minuto, na nagpapakita ng kanyang walang kapantay na bilis at disiplina sa larangan na ito.
Patuloy na pinahahanga ni Shutkever ang mundo bilang isa sa pinakamatagumpay na speed eaters, na nagbibigay-inspirasyon sa mga mahilig sa pagkain.
- Latest