MANILA, Philippines — Pinangunahan ni Marikina 2nd District Representative Stella Luz A. Quimbo ang pagbubukas ng isang bagong fire station at pagbigay ng fire truck sa Nangka, Marikina.
Ang proyekto, na nagkakahalaga ng P15 milyon, ay naglalayong mapabuti ang kaligtasan at kahandaan ng mga residente laban sa mga sakuna, partikular na ang mga sunog.
Sa seremonya na ginanap noong Disyembre 14, 2024, sa 36 Langka St., St. Benedict Subdivision, Nangka, Marikina, isinagawa ang pormal na turnover ng bagong Nangka Fire Station 6, kasama ang isang fire truck, na nagkakahalaga ng PHP14,982,000.00.
Ang bagong fire station ay papalit sa dating mas maliit na pasilidad na tanging container van lamang ang gamit sa pag-responde sa mga sunog.
Ito ang dahilan kaya nagpatayo si Rep. Quimbo ng isang bago, maluwag, at world-class na fire station kasama ang bagong fire truck na agarang reresponde sa komunidad. Dumalo rin sa pagpapasinaya si Congressman Miro Quimbo, Marikina City Fire Marshal FSUPT Nestor C. Gorio, at iba pang mga key officials mula sa Bureau of Fire Protection (BFP) at lokal na pamahalaan.
Ayon kay Rep. Quimbo, ang proyekto ay tugon sa kamakailang sunog na naganap sa lungsod at kakulangan sa mainam na pagresponde sa sakuna.