Banknotes na may nakaimprentang ‘bayani,’ mananatili sa sirkulasyon – BSP
MANILA, Philippines — Mananatili sa sirkulasyon ang banknotes kung saan itinatampok ang mga “bayani” sa Pilipinas.
Ito ang ipinahayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) matapos ilabas kamakailan ang first Philippine Polymer Banknote series kung saan makikita ang mga bagong disenyo ng P50, P100 at P500.
Sa isang pahayag noong Sabado, Disyembre 21, sinabi ng BSP na bagama’t may bagong inilabas na disenyo ng banknote, hindi pa rin daw ititigil ang sirkulasyon ng mga perang may nakaimprentang “bayani” ng bansa.
“The banknotes with historical figures will circulate alongside the newly launched ‘First Philippine Polymer Banknote Series,’ which showcases the country’s rich biodiversity,” saad ng BSP.
“The BSP has always featured the country’s heroes and natural wonders in banknotes and coins.”
“Featuring different symbols of national pride on our banknotes and coins reflects numismatic dynamism and artistry and promotes appreciation of the Filipino identity,” dagdag nito.
- Latest