Higit 453K paputok, nakumpiska – QCPD

MANILA, Philippines — Hindi pa man nagtatapos ang Disyembre, mahigit 453,000 mga paputok na ang nakum­piska sa Quezon City nitong buwan.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director PCol. Melecio Buslig Jr., na nakapagtala sila ng isang kaso ng firecracker-related injury at 24/7 ang monitoring at pag-iikot ng mga pulis sa mga posibleng lugar ng bentahan ng mga paputok upang matiyak na may kaukulang dokumento ito sa pagbebenta.

Mahigit 10,000 kapulisan ang ipinakakalat ng Philippine National Police sa National Capital Region upang tiyaking maayos na ipatutupad ang mga batas tungkol sa kampanya laban sa ilegal na paputok at pagkakaroon ng fireworks display zone sa mga barangay.

Show comments