NBI, Comelec sanib puwersa vs vote buying
MANILA, Philippines — Nagsanib na ang National Bureau of Investigation (NBI) at Commission on Elections (Comelec) laban sa inaasahang talamak na vote buying para sa 2025 elections.
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, magiging talamak ang praktis na vote-buying sa darating na Eleksyon 2025 na kailangang bantayan.
“Ini-expect natin sa darating na election magiging talamak ang vote-buying,” ani Garcia.
Sa nakikita ng Comelec, posibleng hindi dumaan sa mga payment platform ang nasabing aktibidad at dahil alam ng mga bumibili ng boto na binabantayan ito kaya inaasahan ang mas personal na pagbibigay ng bayad kapalit ng pagboto.
“Kung ikaw nagpadala sa dalawampung tao mahigit sa isang araw sa isang transaksyon, presume namin na engaged sa vote-buying,” aniya pa.
Upang malabanan ang bilihan ng boto at iba pang paglabag sa mga panuntunan ng eleksyon, may paghahanda ang Comelec sa pamamagitan ng pakikipagkasundo sa National Bureau of Investigation.
Kamakailan, isang memorandum of agreement ang nilagdaan sa pagitan ng Comelec at ni NBI Director Ret. Judge Jaime Santiago para mabantayan ang halalan 2025.
- Latest