^

Police Metro

Metro Manila tricycle group umalma na sa pagdami pa ng motorcycle taxi

Angie dela Cruz - Pang-masa
Metro Manila tricycle group umalma na sa pagdami pa ng motorcycle taxi
Motorcycle taxi drivers await for passengers in Manila on April 1, 2024.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inalmahan na ng tricycle group na National Confe­deration of Tricycle Operators and Drivers Association of the Philippines (NACTODAP) ang patuloy na pagdami ng motorcycle taxi sa bansa lalo na sa Metro Manila.

Sinabi ni Ariel Lim, national President ng NACTODAP, dahil sa patuloy na pagdami ng MC taxi ay nasa P300 na lamang kada araw ang naiiuwing kita ng bawat tricycle driver na sobrang baba sa dating kita na P700 kada araw.

Anya madami nang galit sa kanilang hanay sa nangyayaring pagdami ng MC taxi lalo na ang pag­dagdag pa ng LTFRB sa mga MC taxi company sa Region 3 at Region 4A.

Anya dapat munang ihinto ng LTFRB ang pagda­ragdag ng MC taxi sa bansa at konsultahin muna ang iba’t ibang stakeholders tulad ng NACTODAP bago magdesisyon na magdagdag pa ng MC taxi sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

Hinikayat naman ni Atty. Jopet Sison, founding Chairman ng QC Tricycle Franchising Board ang pamahalaan na magkaroon ng National Transport Plan upang maging maayos ang sistema sa usapin ng mga MC taxis sa bansa.

MC TAXI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with