^

Police Metro

Babaeng African tiklo sa P63 milyong shabu sa NAIA

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inaresto ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang babaeng South African nang tangkaing ipasok ang nasa P63 milyong halaga ng illegal drugs kahapon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), Pasay City.

Sa report ng PDEA, alas-10:50 ng gabi nang maharang ng mga tauhan ng NAIA Inter-agency Drug Interdiction Task Group sa Terminal 3 ang dayuhan na mula sa Zambia, South Africa na hindi na pinangalanan.

Nakuha sa luggage ng dayuhan ang nasa 9,276 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P63,076,800.00, cellphones, travel documents at ilang mga identification cards.

Dinala na sa PDEA ang mga illegal drugs at sumailalim sa documentation at disposition procedures.

NAIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with