^

Police Metro

Unang araw ng ‘Simbang Gabi’ generally peaceful – PNP

Doris Franche-Borja - Pang-masa
Unang araw ng ‘Simbang Gabi’ generally peaceful – PNP
Dinagsa kahapon ng mga debotong Katoliko ang pagbubukas ng ­unang araw sa 9 gabi na tradisyon na Simbang Gabi o Misa De Gallo sa Antipolo Cathedral, Antipolo City, Rizal.
Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Generally peaceful ang unang araw ng Simbang Gabi sa buong bansa.

Ito ang inihayag ni Philippine National Police (PNP) spokesperson at information chief Brig. Gen. Jean Fajardo, wala naman nairerport na anumang untoward incident sa simula ng Simbang Gabi at inaasahang mananatiling payapa hanggang sa Pasko.

Bagama’t dinagsa ng mga Katoliko ang ilang simbahan sa bansa hindi naman nakapagtala ng anumang kaguluhan.

Gayunman, sinabi ni Fajardo na mananatili pa ring alerto ang PNP sa mga simbahan, lansa­ngan at transport terminals lalo pa’t inaasahan na papa­rami nang paparami ang magsisiuwian sa kani-kanilang mga pro­binsiya habang papalapit ang araw ng Pasko.

Nabatid kay Fajardo na naglabas ng kautusan si PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil na siguraduhin na sapat ang mga pulis sa mga vital installations bukod pa sa mga pulis na nagsasagawa ng foot patrol. Wala rin aniyang namomonitor pa ang PNP na anumang mga banta o gulo ngayong Kapaskuhan.

SIMBANG GABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with