Chinese national at Pinay lover, tiklo sa P15 milyong droga
MANILA, Philippines — Isang Chinese national at live-in partner na Pinay ang naaresto ng mga otoridad sa isang buy-bust operation at nasamsam ang mahigit P15 milyong halaga ng iligal na droga kahapon ng umaga sa Navotas City.
Kinilala ang mga suspek na sina RongShi, 40, alyas William; at Rose Martinez, 28, kapwa residente ng Brgy. Manganvaka, Subic Zambales at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 (Sale) at Section 11 (Possession of Dangerous Drug), Article II of RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Batay sa tinanggap na report ni Navotas City Police chief PCol. Mario Cortes, isinagawa ang buy-bust operation, alas-6:16 ng umaga sa Road 10, Brgy. North Bay Boulevard North (NBBN).
Nakuha sa mga suspek ang apat na malalaking zip-lock bag na naglalaman ng white crystalline na pinaniniwalaang shabu, thermal insulated tote bag, digital weighing scale, dalawang heat-sealed sachets ng shabu, cellphone, isang Honda Jazz vehicle, at marked money na ginamit sa operasyon.
- Latest