^

Police Metro

Pagbisita ng pamilya Veloso kay Mary Jane kanselado

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakatanggap ang pamilya ni Mary Jane Veloso ng abiso mula sa Department of Fo­reign Affairs Office of the Undersecretary for Migration Affairs (DFA-OUMA) na hindi matutuloy ang kanilang pagbisita sa Indonesia.

Ayon sa pahayag kahapon ng pamilya Veloso, sinabi sa kanila ng DFA na ngayon ang nakatakdang araw sa pagbiyahe ni Mary Jane papuntang Jakarta para sa pagsisimula ng proseso ng pag-transfer niya sa Pilipinas.

Alinsunod umano ito sa utos ng Indonesian Ministry for Law, Human Rights, Immigration and Corrections, ayon sa DFA.

Nanghihinayang man ang pamilya Veloso dahil hindi matutuloy ang kanilang pagbisita mula December 16 hanggang December 18, masaya sila matapos ipaalam sa kanila na si Mary Jane ay nakatakdang ilipat sa Jakarta.

“Kami, mga magulang at anak ni Mary Jane ay nanghihinayang na hindi kami matutuloy sa pagbisita kay Mary Jane dahil napaghandaan namin ito at nasasabi namin siyang makasama makalipas ang isang taon mula nang huli naming bisita sa kanya,” nakasaad sa statement nina Celia at Cesar.

MARY JANE VELOSO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with