Tinedyer patay, 1 pa sugatan sa sunog
MANILA, Philippines — Isang tinedyer ang nasawi habang sugatan naman ang isa pa sa naganap na sunog sa isang residential area sa Pasig City kahapon ng madaling araw.
Hindi muna pinangalanan ang nasawing biktima na 19-anyos habang nagtamo naman ng sugat sa kaliwang paa ang isang 17-anyos na lalaki ngunit nalapatan na ng lunas.
Sa inisyal ulat ng Pasig City Bureau of Fire Protection (BFP).alas-3:35 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa 4-Acacia Gahit, Narra St., Brgy. Pinagbuhatan, na pagma-may-ari ng isang Jenny Ignacio.
Umabot lamang ng ikalawang alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-6:23 ng umaga na tumupok sa 30 bahay na kung saan 60 pamilya ang nawalan ng matitirhan.
Inaalam pa ng mga otoridad ang pinagmulan ng sunog na tumupok sa tinatayang aabot sa P1 milyong halaga ng mga ari-arian.
- Latest