^

Police Metro

SRI iginawad ni Pangulong Marcos sa government workers

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Maagang napaskuhan ang mga kawani ng gob­yerno at maging ang mga uniformed personnel matapos aprubahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang Administrative Order (AO) 27 na nagbibigay ng service recognition incentives (SRI) para sa taong 2024 epektibo ngayong araw, Disyembre 15.

Nakasaad sa AO na magbibigay ng pahintulot para sa isang beses na pagbibigay ng SRI na may pantay na halaga na P20,000 bawat isa sa mga kawani ng gob­yerno, maging sibilyan at militar ng hindi mas maaga sa Disyembre 15, 2024.

Kabilang sa mga makikinabang sa SRI ang mga sibilyang kawani ng mga ahensya ng pambansang gobyerno, kabilang ang mga nasa mga state universities at colleges (SUCs) at mga government-owned or-controlled corporations, “na may mga regular, kontraktuwal o pansamantalang posisyon.”

Gayundin mga miyembro ng militar ay kabilang din sa mga makakatanggap ng insentibong cash tulad ng Armed Forces of the Philippines (AFP); Philippine National Police (PNP); Bureau of Fire Protection (BFP) Bureau of Jail Management and Penology (BJMP); Bureau of Corrections (BuCor) Philippine Coast Guard (PCG) at National Mapping and Resource Information.

Ang mga makakatanggap ng SRI ay dapat regular, contractual o casual positions at nanatili sa government service hanggang Nobyembre 30, 2024 at may kabuuang 4 na buwan sa serbisyo.

FERDINAND MARCOS JR.

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with