^

Police Metro

DENR nagbabala sa labis na asupre ng Kanlaon

Pang-masa
DENR nagbabala sa labis na asupre ng Kanlaon
A netizen from Toledo, Cebu captured the eruption of Kanlaon Volcano on December 9, 2024.
Photo courtesy of Rob Ilumba Ugbinada

MANILA, Philippines — Nagbabala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa labis na sulfur dioxide emission mula sa bulkang Kanlaon.

Ito ay kasunod nang isinagawang pag-aaral ng Manila Observatory sa satellite imagery na inilabas ng Korean Space Agency.

Bagaman ang Kanlaon ay nasa Negros Islands, umabot na rin umano ito sa Panay Islands kung saan natuklasan na mataas ang sulfur dioxide concentration sa parehong isla.

Paliwanag ni DENR Secretary Maria Antonia Yulo Loyzaga, natunton pa ang mga bakas ng asupre hanggang sa 36,000 kilometro mula sa daigdig.

Nangangahulugan aniya ng mataas na concentration ng asupre sa himpapawid ng dalawang malalaking Visayan islands.

Ayon pa sa kalihim, maaari itong maka-kontamina sa mga water sources, at hindi na ligtas para pang-inom at maging sa pang-irigasyon.

Dahil dito, ilang serye ng water testing ang isasagawa ng ahensiya para matukoy ang kalidad ng tubig sa mga lugar na apektado sa pagputok ng bulkan.

DENR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with