Pangulong Marcos: ‘Di magdedeploy ng PH Navy warships sa West Philippine Sea
MANILA, Philippines — “Wala naman tayo sa giyera.”
Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., bilang pagtiyak na hindi kinakailangang mag-deploy ang Pilipinas ng Navy warships sa West Philippine Sea (WPS) matapos ang panibagong pangha-harass ng Chinese Navy warship na gumamit ng laser sa barko ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) at pambobomba ng tubig sa Bajo de Masinloc at Hasa-Hasa shoal, kamakailan.
Ani Pangulong Marcos, “We don’t need Navy warships. All we are doing is resupplying our fishermen, protecting our territorial rights.”
“Again, it will be provocative and will be seen as an escalation… we don’t do that. The Philippines does not escalate tensions. Quite the opposite, the Philippines always tried to bring down the level of tension,” dagdag niya.
Sa ulat, sinabi ng Philippine Coast Guard (PCG) na desisyon na ni Pangulong Marcos at ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang deployment ng Navy vessels na susuporta sa mga barko ng Pilipinas habang isinasagawa ang “Philippine mission” sa West Philippine Sea (WPS).
Ayon kay Commodore Jay Tarriela, PCG spokesperson on the WPS, ang AFP ang siyang dapat na gumawa ng rekomendasyon habang si Pangulong Marcos naman ang may pinal na desisyon sa isyu bilang commander-in-chief.
Iginiit din ni Pangulong Marcos na hindi magiging bahagi ang Pilipinas sa pagtaas ng tensyon sa sitwasyon sa WPS.
- Latest