Ashfall ng Kanlaon Volcano umabot sa Iloilo, Guimaras
MANILA, Philippines — Umabot na sa probinsya ng Iloilo at Guimaras ang ashfall mula sa pagputok ng Kanlaon Volcano sa Negros Island.
Kaya’t pansamantalang lumipat sa mga tents ang mga student athletes sa Nueva Valencia, Guimaras.
Sa Negros Occidental naman, ilang residente na ang lumikas sa kanilang mga tahanan at nanatili sa ilang paaralan dahil sa aktibidad ng Kanlaon.
Tinatayang nasa 87,000 na indibidwal na ang lumikas, ayon sa Office of Civil Defense (OCD).
Pinayuhan naman ng Department of Health (DOH) ang mga apektadong residente na magsuot ng mask at damit na may mahabang manggas.
- Latest