Marcos Jr. nilagdaan ang batas para sa mental health ng mga guro, estudyante
MANILA, Philippines — Nilagdaan kahapon ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang batas na “Basic Education Mental Health and Well-Being Promotion Act”.
Nilalayon ng batas na itaguyod ang mental health at well-being programs sa mga estudyante, guro, at non-teaching personnels sa basic education sa pribado at publikong paaralan upang matiyak na emosyonal at mental na “handa upang magtagumpay (equipped to excel)” sa pagharap ng mga hamon.
“When our learners and school personnel are mentally healthy, academic performance improves, absenteeism decreases, and a culture of compassion and understanding flourishes,” saad ni Marcos.
Magtatayo ng mga Care Center sa bawat public basic education school na pamumunuan ng isang School Counselor katuwang ang mga School Counselor Associates, na magbibigay ng counseling and stress management workshops at magsasagawa ng mga programang makatutulong para mabawasan ang stigma tungkol sa mental health.
- Latest