Manong Chavit nakisaya sa SumBingTik Festival
MANILA, Philippines — Nakisaya si senatorial candidate Luis “Manong Chavit” Singson sa selebrasyon ng Sumbingtik Festival 2024 sa Cainta,Rizal sa kabila nang paghahanda sa kanyang kampanya para sa bagong hamon sa public service.
Ang Sumbingtik Festival - na halaw sa mga sikat na produkto ng Cainta na suman, bibingka at latik ay ipinagdiriwang upang itampok sa buong mundo ang cultural at culinary heritage ng probinsya.
Ngayong taon ay kasama si Manong Chavit sa mga nakiisa sa mga taga- Barangay Sto. Niño na maipakita ang likas na kagalingan ng mga taga-Cainta pagdating sa pagluluto ng mga kakanin.
Kasama ni Manong Chavit sina Cainta Mayor Elenita “Elen” Nieto at municipal administrator Johnielle Keith “Kit” Nieto sa float parade kung saan nagsuot ng traditional Muslim attire ang mga dumalo habang nakasakay sa mga magagarang floats.
Si Manong Chavit, na nakasuot bilang Raja Sulayman, ang siyang panauhing pandangal at sumakay din sa isang napakamagarang float.
Ibinahagi niya ang kanyang mga adhikain sa Senado, gaya nang modernisasyon ng mga public utility vehicles (PUV) sa pamamagitan ng pagbibigay ng pautang na zero downpayment, zero interest at zero collateral sa mga drivers at operators.
“Handa akong magpautang at tumulong sa ating mga drivers at operators ng walang interes at walang downpayment dahil nais kong maisama sila sa pag-unlad,” saad ni Manong Chavit na Number 58 sa senate ballot.
Inilahad din niya ang kanyang programa na Chavit 500 isang universal basic income proposal na naglalayong magbigay ng buwanang P500 sa mga minimum wage earners pababa at ang nalalapit na paglulunsad ng VBank na tutulong sa mga ordinaryong Pilipino na magkaroon ng access sa banking system sa bansa.
- Latest