^

Police Metro

Jobless umakyat sa 1.97 milyon – PSA

Angie dela Cruz - Pang-masa
Jobless umakyat sa 1.97 milyon – PSA
Individuals flock to a Kadiwa Market at the Department of Agriculture office in Quezon City on July 1, 2024, to purchase rice at P29 per kilo.
The STAR / Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tumaas ang bilang ng mga walang trabaho sa bansa noong buwan ng Oktubre dahil sa naapektuhan ang labor force participation sa sunud-sunod na bagyo na tumama sa bansa sa nabanggit na panahon.

Ayon kay Philippine Statistics Autho­rity (PSA) chief National Statistician Claire Dennis Mapa na naitala ang 1.97 milyon ang walang trabaho na edad 15 at pataas sa nabanggit na buwan.

Ito ay mas mataas sa 1.89 milyon unemployed na naitala noong Setyembre, subalit mas mababa kumpara noong Oktubre 2023 na 2.09 mil­yon na walang trabaho.

Sa percentage na 50.12 milyon na mga Pinoy sa labor force, ang unemployment rate ay 3.9 percent mula sa 3.7 percent noong Setyembre.

Nananatili na ang services sector ang top sector sa bilang ng mga may trabaho na may share na 61 percent sa kabuaang bilang ng may trabaho noong Oktubre.

Naitala naman ang 21.2 percent at 17.9 percent sa agriculture at industry sectors sa kabuuang bilang ng mga employed batay sa pagpapasunod.

JOBLESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with