Chopper ng Philippine Navy, bumagsak: 5 nasugatan
MANILA, Philippines — Nasugatan ang limang sakay ng isang helicopter ng Philippine Navy nang ito ay bumagsak sa Sangley Aerodrome sa Cavite City, Cavite, kahapon ng umaga.
Kinumpirma ni CDR. Percie Alcos, Spokesman ng Philippine Navy na kabilang sa mga nasugatan ay dalawang piloto , isa rito ay test pilot at tatlong crew.
Sa ulat, alas-10:18 ng umaga nang mangyari ang sakuna habang nagsasagawa ng training at maintenance flight ang Naval Augusta helicopter NH432 sa Sangley Aerodrome sa Sangley, Cavite.
Agad na dineploy ang emergency response teams, kabilang ang mga bumbero at medical personnel, sa lugar na binagsakan ng chopper.
Walang naiulat na nasawi sa mga sakay ng helicopter na pawang nagtamo ng mga galos na agad dinala sa ospital.
Kasalukuyan nang nagsasagawa ng imbestigasyon upang madetermina ang sanhi ng insidente at pansamantalang grounded muna ang Augusta aircraft habang isinasagawa ang imbestigasyon.
- Latest