^

Police Metro

‘Quinta Committee’ iimbestigahan ang pagtaas ng presyo ng pagkain

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines — Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na bubuuin at pagsama-samahin ang limang komite ng Kongreso upang mag-iimbestiga kung bakit mataas pa rin ang presyo ng mga pagkain gayong mababa naman ang presyo nito sa farmgate at presyo sa pandaigdigang kalakalan lalo na ang bigas.

“Inatasan ko ang Committee on Ways and Means, Food and Agriculture, Trade and Industry, Food Security, at Social Services na alamin kung ang mataas na presyo ng bilihin ngayon ay dikta ng monopolya o smuggling”, ayon kay Speaker Romualdez.

Ayon pa sa lider ng mga kongresista, “halimbawa itong bigas, binawasan na nga ang taripa ng mga imported rice ng pangulo, at mababa din ang presyo sa world market, e bakit hindi bumababa ang presyo dito sa atin”.

Aniya “nasa 50 to 60 pesos pa rin ang kilo ng bigas. Dapat ‘yung ­savings ng mga negos­yante naipapasa sa mga mamimili di ba?” dagdag pa ni Romualdez.

Ito umano ang pakay ng “Quinta Committee” para alamin saan o sino ang nakikinabang sa tariff reduction at pagbaba ng presyo ng bigas sa world market, at mababang pres­yo sa farmgate.

“Wala tayong sasan­tuhin kung sino man ‘yan ang nasa likod ng pagkontrol ng presyo ng bilihin…ating sasampahan ng price manipulation or smuggling”, dagdag pa ng Leyte Representative.

INFLATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with