1 hanggang 2 bagyo papasok ngayong Disyembre
MANILA, Philippines — Inihayag ng PAGASA ang posibleng pagpasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang isa o dalawang bagyo ngayong Disyembre.
Kaya’t pinag-iingat at pinaghahanda ng PAGASA ang publiko sa potensyal na maging tropical cyclones na posibleng tatama sa bansa sa holiday season.
Ayon sa Pagasa, ang mga nasabing bagyo ay malaki ang tyansa na mag-landfall o magkaroon ng impact sa lupa.
Gayunman, wala pa namang namomonitor na low pressure area o tropical cyclone ang Pagasa na makakaapekto sa bansa sa susunod na tatlo hanggang limang araw.
Matatandaang nakaranas ang bansa ng anim na magkakasunod na bagyo nitong Oktubre tulad ng Kristine, Leon, Marce, Nika, Ofel at Pepito.
- Latest