^

Police Metro

Angkas, AngKasangga Party-list sumalang sa nationwide public consultation

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Pinangunahan kahapon ng Angkas, ang pinakamalaking motorcycle taxi group sa bansa at AngKasangga Party-list ang ginawang public consultation ng Land Transportation Office (LTO) hinggil sa kalagayan ng mga riders at moto taxi operations sa bansa.

“This consultation is just the beginning as we call for a continued nationwide holding of this kind of event,” sabi ni Angkas CEO at AngKasangga nominee George Royeca.

Ang public consultation na dinaluhan ng halos isandaang riders, leaders ng riders’ group at moto taxi operators mula sa buong bansa ay ginawa sa pakikipagtulungan ng LTO at Department of Transportation (DOTr) sa Quezon City.

Kinuha rin dito ng LTO ang damdamin ng moto taxi at riders group hinggil sa batas na nagpaparusa sa mga may-ari ng second hand na sasakyan na hindi pa nai-transfer ang ownership sa loob ng 20 araw.

Ang implementasyon ng batas ay sinuspinde muna ng LTO at binigyang daan muna ang public consultation hinggil dito.

“We are always ready to work with the LTO, DOTr, and other related government agencies to create meaningful solutions that would uplift motorcycle riders cause while ensuring a safer and more efficient transport system for the commuters,” sabi ni Royeca.

Anya oras na mabigyan ng puwesto sa Kongreso ay hindi lamang kapakanan ng riders sa buong bansa ang bibigyang proteksyon gayundin ang lahat ng tricycle drivers at operators.

ANGKAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with