3 patay, 31 naospital sa inulam na pawikan
MANILA, Philippines — Tatlong katao ang nasawi habang 31 iba pa ang dinala sa ospital matapos na sila ay malason sa inulam nilang pawikan na kanilang nahuli sa karagatan ng Datu Blah Sinsuat, Maguindanao del Norte nitong Biyernes.
Ang mga biktima ay mga residente ng nasabing barangay na isang coastal municipality sa Maguindanao del Norte.
Mismong si Datu Blah Sinsuat Mayor Marshall Sinsuat ang nagkumpirma kahapon na tatlo na mga katutubong Teduray sa Barangay Linao ang nasawi sa pagkalason matapos silang sabay na kumain ng pawikan na kanilang niluto sa isang lugar sa naturang barangay. Habang ang 31 na iba pang nakaramdam ng pananakit ng tiyan ay dinala sa ospital para masuri.
- Latest