^

Police Metro

Kauna-unahang eBus aarangkada na ngayong Disyembre

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Magsisimula nang umarangka ngayong Dis­yembre ang kauna-unahang electric bus (eBus) ng Victory Liner, Inc. na layong mabigyan ng sapat na masasakyan ang mga commuters mula Cubao-Pampanga at vice versa.

Ayon kay Marivic del Pilar, president at general manager ng Victory ­Liner, Inc. layon ng eBus na maserbisyuhan ang mga commuters sa makabagong sistema sa tulong ng Higer, ang nangunguna sa electric vehicle innovation. Ani Del Pilar walang oil change at transmission cost ang eBus at may Wi-Fi router.

Isinailalim sa pilot test kahapon ang eBus na bumiyahe mula EDSA Munoz hanggang Ortigas pabalik sa kanilang motorpool sa Baler St., Brgy Paltok, Quezon City.

Sinabi ni Transportation Usec. Andy Ortega, kauna-unahan ang VLI sa pagkakaroon ng eBus na layong mabawasan ang carbon emission transportation. 

Magsisimulang bumiyahe ngayong Disyembre ang eBus kung saan inaasahan ang dagsa ng mga magsisiuwi sa probinsiya sa San Fernando, Pampanga.

Nabatid kay Elison Tan, ng Higer Philippines na mayroong 65 passenger capacity na makakapaghatid sa layong 350- 500 kms kung full charged eBus. 

Binigyan diin naman ni Engr. Brixio Macalinao, operations manager ng VLI, na ang dalawang electric buses ay para sa walong oras na biyahe at nasa P141.00 ang pasahe.

VICTORY LINER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with