^

Police Metro

Vintage bomb nadiskubre malapit sa NAIA Terminal 2

Pang-masa
Vintage bomb nadiskubre malapit sa NAIA Terminal 2
Ibiniyahe na ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security EOD at Canine Unit (AVSECU) ang vintage bomb na gawa sa Amerika sa police patrol vehicle matapos na mahukay ng mga obrero sa isinasagawang road widening sa kahabaan ng MIA Road, Pasay City, kahapon.
Noel Pabalate

MANILA, Philippines — Aksidenteng nadiskubre ang isang vintage bomb sa isang kalsada malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 sa Pasay City, kahapon.

Ang nasabing bomba na pinaniniwalaang gawa sa Amerika at ginamit sa World War II, ay nahukay ng mga manggagawa sa isinasagawang road widening project sa kahabaan ng Manila International Airport Road.

Pansamantalang sinuspinde ang road wide­ning operation kasunod ng pagkakatuklas sa vintage bomb.

Ayon sa mga tauhan ng Philippine National Police Explosive Ordnance Disposal Unit na nagtungo sa lugar na peligroso ang naturang bomba at posible pang sumabog.

Dadalhin ang nasabing vintage bomb sa PNP Explosive Ordnance Disposal Unit para sa pagsusuri at wastong disposal.

BOMB

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with