^

Police Metro

4 domestic banks hindi popondohan ng karagdagang karbon

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Apat na pangunahing domestic banks sa bansa na tumangging pondohan at suportahan ang karagdagang karbon, kabilang ang pagpapalawak ng proyekto ng Therma Visayas Inc. (TVI) sa Toledo, Cebu.

Ayon sa apat na bangko, hindi nila popon­dohan ang mga bagong kapasidad ng karbon ­alinsunod sa Withdraw from Coal: End Fossil Fuels (WFC:EFF), isang koalisyon ng  mga environmentalists, faith lea­ders, at iba pang sectoral groups.

Sinabi ni Gerry Arances, co-convenor ng WFC:EFF, ang pagtanggi ng mga bangko na suportahan ang proyekto ay malaking tulong sa kapaligiran at panga­ngailangan ng bansa ng sustainable energy.

Katwiran ng mga bangko, mas nais nilang suportahan ang adbokasiya ng pamahalaan para sa mas malinis na kapaligiran.

Nilinaw ng bangko na ang patakaran nito sa pagpopondo ng karbon ay susunod sa coal moratorium ng Department of Energy (DOE).

Hinimok din ni Aran­ces ang mga bangko sa Pilipinas na ilipat ang suporta mula sa coal at gas sa renewable energy, sa gitna ng pangako sa buong mundo na  lumayo sa fossil fuels.

Sinampahan din ng kasong graft si Energy Secretary Raphael Lotilla dahil sa kanyang pag-endorso sa Unit 3 ng TVI sa kabila ng pagpapalawak na salungat sa 2020 coal moratorium.

BANKS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with