Pangulong Marcos : LRT-1 Cavite extension project, aarangkada na
MANILA, Philippines — Simula ngayong araw Nobyembre 16 ay maaari nang magamit ng publiko ang limang bagong istasyon ng Light Rail Transit 1-Cavite extension.
Matapos pangunahan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang inagurasyon ng LRT-1 Cavite Extension (L1CE) Phase 1 Project sa Parañaque City.
Ang limang istasyon na maaari nang magamit simula alas-5:00 ng umaga ang Redemptorist-Aseana Station, MIA Road Station, PITX Station, Ninoy Aquino Avenue Station, at Dr. Santos Station.
Dahil dito kaya hinikayat ni Pangulong Marcos ang publiko na subukang sumakay para makita at maranasan ang maginhawang pagbiyahe ng walang trapik.
“Kaya hinihikayat ko lahat ng ating mga commuter, subukan ninyo at makikita ninyo napakaginhawa kumpara sa traffic na nararanasan natin araw-araw,” ayon pa kay Marcos.
Kasabay nito, aminado naman ang Pangulo na walang alok na libreng sakay sa unang operasyon ng LRT-1 extension dahil hindi ito operated ng gobyerno at kailangan pa bayaran ang utang dito.
Nilinaw naman ni Marcos na hindi nila inisip ang pagdiriwang ng Pasko sa pagbubukas ng LRT-1 Cavite extension kundi nagkataon lang dahil lahat ito ay rail projects.
- Latest