Ex-Miss Universe Rabiya niregaluhan ang sarili ng bagong bahay
MANILA, Philippines — Excited na sinilip ni Kapuso star at dating Miss Universe beauty queen Rabiya Mateo ang kanyang bagong bahay, kasama ang kanyang ina na bumiyahe pa mula sa Iloilo sa isang exclusive subdivision sa Laguna noong Huwebes bilang regalo sa kanyang kaarawan.
“Super excited kami ni Mama nang i-tour ko siya sa house kasi malaki siya at tahimik yung surrounding,” anang beauty queen.
Aminado ang Kapuso talent na hulog-hulugan ang kinuhang bahay na mala-mansion naman ang laki at ayaw naman nitong sabihin kung magkano ang halaga ng kanyang brand new home.
Pero ayon sa mga nakatira sa naturang subdibisyon, aabot umano sa P20 milyon ang halaga ng bahay ng beauty queen turned actress.
“Thankful talaga ako kay God sa blessing na ito at na-approved ng bank ang home loan ko,” dagdag pa ni Ms. Mateo.
- Latest