P1 bilyong quick response fund nasimot ng 5 magkakasunod na bagyo – DSWD
MANILA, Philippines — Inihayag ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nasimot ang P1 bilyon na quick response funds ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) matapos gastusin sa mga biktima ng limang huling tropical cyclones na tumama sa bansa.
“More than P1 billion yung total humanitarian assistance na po ang naipamahagi ng inyong DSWD. Out of that, more than 1.4 million na family food packs ang ating naipamigay dito sa mga probinsiya na apektado ng limang nagdaang bagyo,” ang sinabi n DSWD Undersecretary Edu Punay.
“May natira pa tayo so far na P100 million na standby funds. But the good news, mabilis po ang replenishment ng ating pondo when it comes to disaster response,” dagdag na wika nito.
Kaya nga sinabi ni Punay na inaasahan ng DSWD na ipalalabas ng Department of Budget and Management (DBM) ang P875 million pondo ngayong linggo o sa susunod na linggo.
Mula pa noong October 21,naapektuhan na ng tropical cyclones Kristine, Leon, Marce, Nika, at Ofel ang maraming rehiyon sa bansa.
Sinabi naman ni DSWD spokesperson at Asst, Secretary Irene Dumlao na ang naturang pondo ay pambili ng mga materyales at mga pangangailangan ng mga lokalidad na nasasalanta ng bagyo.
- Latest