Pastor Quiboloy, isinugod sa ospital
Dahil sa irregular heartbeat, pananakit ng dibdib
MANILA, Philippines — Kinumpirma kahapon ng Philippine National Police na isinugod sa ospital ang kontrobersiyal na lider ng Kingdom of Jesus Christ na si Pastor Apollo Quiboloy, matapos makaranas ng pananakit ng dibdib at irregular heartbeat.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, si Quiboloy na kasalukuyang nakadetine sa PNP Custodial Center sa Camp Crame, ay dinala sa Philippine Heart Center noong Biyernes para sa agarang atensyong medical dahil ang irregular heartbeat ay inilalarawan na isang banta sa buhay.
Si Quiboloy na tinagurian ang sarili na “appointed son of God” ay nahaharap sa kasong qualified human trafficking at sexual abuse sa ginagawa nito sa mga kababaihan na miyembro ng grupo.
Magugunita na ang legal team ni Quiboloy ay humiling na ng hospital arrest noong Setyembre dahil sa isyu ng kanyang kalusugan, subalit ito ay ibinasura ng Pasig City Regional Trial Court noong October at mananatili ito sa police custody habang naghihintay ng paglilitis ng kanyang kaso.
- Latest