Pagsuko ng mga miyembro ng CPP-NPA, naantala
MANILA, Philippines — Dahil umano sa nalalapit na 2025 midterm elections ay naantala ang pagsuko ng mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) sa pamahalaan.
Sinabi ni Undersecretary Ernesto Torres Jr., Executive Director ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) na mahina na ang pwersa ng CPP-NPA sa bansa dahil sa ngayon ay 1,100 na lamang ang aktibong fighters mula sa 2,200 noong nakaraang taon.
Giit ni Torres, karamihan sa nasabing aktibong fighters ay nagpahayag ng pagnanais nilang sumuko subalit, naantala dahil sa nalalapit na eleksyon kung saan ang gawain nila ay mangolekta ng permit to campaign at permit to win sa mga kandidato.
Maging ang mga nagpapanggap aniya na mga NPA ay ganito rin ang gagawin para makakolekta ng salapi sa mga kandidato.
Kaya nanawagan si Torres sa publiko at sa mga kandidato na huwag magbibigay ng pera para sa kanilang permit to campaign o permit to win sa mga miyembro ng CPP-NPA at ipagbigay-alam agad sa mga otoridad.
- Latest