^

Police Metro

Binata todas sa sunog, bangkay na nakaburol, nadamay

Ludy Bermudo - Pang-masa
Binata todas sa sunog, bangkay na nakaburol, nadamay
Umabot sa ikatatlong alarma bago tuluyang naapula ng mga bumbero ang mga nasusunog na bahay sa Cuyegkeng S., Barangays Uno at Dos, Pasay City, kahapon na kung saan natupok ang bangkay na nakaburol nang hindi ito mailabas ng mga kaanak nang mataranta.
Ryan Baldemor

MANILA, Philippines — Isang 49-anyos na bangkay ng lalaking nakaburol ang mistulang na-cremate habang isang 20-anyos na binata ang nasawi sa naganap na sunog sa isang residential area, sa Pasay City, kahapon ng tanghali.

Sa inisyal na ulat, nasa 25 kabahayan ang natupok sa Cuyegkeng St., Barangay 1, Zone 1, Pasay City na nagmula umano sa ikalawang palapag ng isang bahay at dito ay isang nakaburol na patay ang hindi na nailabas.

Samantala, isang sunog na bangkay ang natagpuan sa lugar na inilarawan na isang 20-anyos na lalaki na isang dishwasher na sa sobrang himbing ng tulog ay hindi na rin nakalabas ng bahay.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP)-Pasay, alas-11:54 ng tanghali nang umakyat sa second alarm, ala-1:00 ng hapon, ideklarang under control at tuluyang naapula alas-3:14 ng hapon o apat na oras na nagtagal.

Ayon sa kamag-anak ng nakaburol na sila ay nag-panic kaya’t hindi nila nailabas ang bangkay hanggang sa tuluyan itong nilamon ng apoy.

vuukle comment

FIRE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with