^

Police Metro

50 tonelada ng basura, nakolekta sa mga sementeryo

Ludy Bermudo - Pang-masa
50 tonelada ng basura, nakolekta sa mga sementeryo
The Marikina City Public Cemetery in Marikina City starts to get busy as families gather to clean their loved ones' tombs on October 30, 2024
STAR/ Walter Bollozos

MANILA, Philippines — Pumalo sa 50 tone­lada ng basura ang nahakot ng mga tauhan ng Metrpolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga sementeryo sa Metro Manila simula Oktubre 26 hanggang Nobyembre 4.

Ayon sa MMDA Public Information Office, nasa 380 personnel mula sa Metro Parkways Clearing Group (MPCG) ng MMDA na itinalaga sa mga sementeryo para sa paglilinis.

Nakolekta ang nasa 2,347 garbage bags na kinolekta sa 12 trucks katumbas ng 50 tonelada sa kabila ng panawagan ng mga lokal na pamahalaan at Environment group na EcoWaste Coalition na huwag magkalat sa mga sementeryo sa pagbisita sa mga mahal sa buhay na namayapa.

Noong Oktubre 29, nangampanya pa ang mga kandidato ng Miss Earth kasama ang mga miyembro ng EcoWaste Coalition sa Zero Waste Undas 2024.

Gayunman, kahit may malaking pagbaba ng dami ng mga basurang nakolekta kumpara sa mga mga nakalipas na Undas, lumalabas pa rin ang kawalan ng disiplina dahil umaapaw ang mga basurahan at hindi sinusunod ang waste segregation.

Ayon sa EcoWaste, kung hindi patuloy na nakasunod ang mga street sweepers sa mga bumibisita sa sementeryo, posibleng magmistulang carpet ng basura ang daraanang kalye at mga eskinita dahil sa kultura na walang habas na pagtapon kung saan-saan ng mga tao.

GARBAGE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with