^

Police Metro

Marcos dedma sa patutsada ni Duterte

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi na pinatulan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga patutsada ni da­ting Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ambush interview sa pangulo sa kanyang pamamahagi ng ayuda sa Laurel, Batangas para sa mga biktima ng bagyong Kristine, sinabi nito na ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol sa dating pangulo.

Sa halip ang dapat aniyang pag-usapan ay kung ano ang nangyari sa lalawigan ng Batangas matapos ang pananalasa ng bagyong Kristine.

Magugunita na nauna nang sinabi ni dating Pangulong Duterte na hindi siya maniningil ng utang na loob sa pamilya ­Marcos dahil sa ginawang pagpapalibing sa Libi­ngan ng mga Bayani ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

Giit ni dating Pa­ngulong Duterte, ginawa lamang niya ang kanyang trabaho kaya walang utang na loob sa kanya ang mga Marcos at wala rin siyang utang na loob sa kanila dahil hindi sila magkakakilala o magpinsan. Sinabi ng pangulo na nakita naman ang lawak ng naging sira sa imprastraktura na kanilang iniinspeksyon at maging ang kabuhayan ng mga residente doon na naapektuhan ng kalamidad.

Inamin naman ni ­Marcos na hindi sapat ang pagtugon sa kalamidad at umaasa na mas ­marami pa silang magawa.

FERDINAND MARCOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with