^

Police Metro

Misis ayaw umuwi pinagsasaksak ni mister, utas

Doris Franche-Borja - Pang-masa

MANILA, Philippines — Kamatayan ang naging bunga ng hindi pag-uwi ng isang 47-anyos na misis matapos sunduin ng kanyang mister sa bayan ng Urbiztondo, Pangasinan.

Ayon sa mga otoridad, ang mag-asawa ay parehong residente ng Basista, Pangasinan.

Matapos na uminom ng alak, pinakiusapan nito ang isa niyang pamangkin na isakay siya papuntang Uribiztondo para sunduin ang kanyang misis na nagbibilad ng palay kasama umano ang hinihinalang lalaki nito.

Nang makarating ang suspek sa naturang lugar, pilit niyang kinumbinsi ang kanyang misis na umuwi na ng bahay nila ngunit tumanggi ito.

Dahil dito, nagalit ang suspek at saka sunod-sunod nitong pinagsasaksak ang biktima.

Mabilis na tumakas ang suspek ngunit agad din nahuli sa ikinasang follow-up operation ng mga otoridad.

vuukle comment

PANGASINAN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with