^

Police Metro

15-anyos utas sa suntok ng SK Kagawad, kasabwat

Ludy Bermudo - Pang-masa
15-anyos utas sa suntok ng SK Kagawad, kasabwat
Ang mga pangyayari ay nakunan ng CCTV na makikita ang pag­habol ng mga tanod para awatin ang gulo at nang maawat ay bumalik ang biktima sa harap ng barangay hall nang biglang sinugod siya ng SK kagawad na nauwi sa habulan hanggang sa nakorner ang biktima at ginulpi.
STAR / File

Nambastos umano ng nobya

MANILA, Philippines — Isang 15-anyos na binatilyo ang nasawi nang mapuruhan sa ulo matapos gulpihin ng isang kagawad ng Sangguniang Kabataan (SK) at kasama nito, naganap kamakailan sa Sta. Ana, Maynila.

Kasalukuyang nakaburol na ang biktimang si alyas “Krishnard”, residente ng Barangay Hulo, Mandaluyong City.

Habang naaresto ng mga otoridad ang mga suspek na sina alyas “Ireneo”, 23-anyos, SK Kagawad; at alyas “Mark”, 18-anyos, kapwa residente ng Barangay 894, Punta Sta. Ana, Maynila.

Sa ulat, bago naganap ang insidente, alas-9:10 ng gabi ng Oktubre 25, sa F, Manalo St, Brgy. 894 ay kasama ng biktima ang mga kaibigan na nagtungo sa parke para magpicture-picture.

Dito sila ay nilapitan umano ng mga suspek at komprontahin sa hindi pa malamang dahilan na nauwi sa panununtok.

Bumagsak ang ­biktima sa kalsada at nawalan ng malay kaya dinala sa Sta. Ana Hospital, suba­lit idineklarang dead on arrival.

Ang mga pangyayari ay nakunan ng CCTV na makikita ang pag­habol ng mga tanod para awatin ang gulo at nang maawat ay bumalik ang biktima sa harap ng barangay hall nang biglang sinugod siya ng SK kagawad na nauwi sa habulan hanggang sa nakorner ang biktima at ginulpi.

Batay sa naging paha­yag ni Brgy. 894 Chairman Sherwin Cañete, inakusahan ng SK kagawad ang biktima na nambastos sa kaniyang nobya.

Lumabas na “traumatic head injury” ang naging sanhi ng kamata­yan ng biktima habang ang dalawang suspek ay sinampahan ng kasong murder sa Manila City Prosecutors’ Office.

vuukle comment

DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with