^

Police Metro

Bagyong Leon posibleng maging super typhoon

Angie dela Cruz - Pang-masa
Bagyong Leon posibleng maging super typhoon
Sattelite image of PAGASA as of October 29, 2024.
PAGASA

MANILA, Philippines — Posibleng maging isang super typhoon ang bagyong Leon habang ito ay papalapit sa Batanes, kaugnay ng galaw nito.

Ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), si Leon ay lalakas habang ito ay dadaan sa Philippine Sea at maaabot ang Typhoon Category sa susunod na 24 oras.

Nabatid na kama­kalawa ng alas-11:00 ng umaga ang bagyong Leon ay isa nang ganap na Severe Tropical Storm at namataan ng PAGASA ang sentro nito sa layong 780 kilometro ng silangan ng Echague, Isabela taglay ang  lakas ng hangin na umaabot sa  95 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 115 kilometro bawat oras.

 Bunga nito, nakataas ang signal number 1 ng bagyo sa eastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana, Lal-Lo, Gattaran, Baggao, Santa Teresita, Gonzaga, Peñablanca), eastern portion ng Isa­bela (Maconacon, Divilacan, Ilagan City, San Pablo, Cabagan, Tumauini, Palanan, San Mariano, Dinapigue),  northeastern portion ng Catanduanes (Pandan, Bagamanoc, Panga­niban, Viga).

Ang naturang mga lugar ay makakaranas ng malakas na pag-ulan na may kasamang malakas na bugso ng hangin lalo na sa may baybayin at matataas na bulubundu­king lugar. Mapanganib din ang paglalayag ng mga sasakyang pandagat dahil sa malalaking alon sa karagatan.

Ang bagyong Leon ay inaasahang kikilos pakanluran hilagang kanluran ngayong umaga at iikot pa hilagang kanluran hanggang sa mag-landfall sa eastern coast ng Taiwan sa Huwebes, October 31.

vuukle comment

PAGASA

TYPHOON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with