^

Police Metro

Taguig wagi sa Galing Pook Award 2024

Ludy Bermudo - Pang-masa
Taguig wagi sa Galing Pook Award 2024
Ang parangal na ito ay pagkilala sa mga inobas­yon ng lokal na pamahalaan na may positibong epekto sa mga komunidad.
I Love Taguig Facebook page

Sa programa ng breast cancer

MANILA, Philippines — Ginawaran ang Taguig­ City ng Galing Pook Award para sa kanilang makabago at epektibong programa kontra breast cancer ang “Ating Dibdibin.”

Ang parangal na ito ay pagkilala sa mga inobas­yon ng lokal na pamahalaan na may positibong epekto sa mga komunidad.

Mula sa 147 na entry sa 111 na lokal na pamahalaan, napabilang ang Taguig sa 18 na fina­list at napili bilang isa sa 10 na nanalo ng Galing Pook Awards 2024.

Itinatag noong 2012 katuwang ang ICanServe Foundation, ang “Ating Dibdibin” ay isang programang nakatuon sa maagang pagtuklas at paggamot ng breast cancer. Pinagtibay ito sa pamamagitan ng mga lokal na ordinansa at may sistema ng patient navigation na nagsisilbing modelo para sa ibang lokal na pamahalaan.

“We believe every breast cancer patient deserves a second chance at life. Every home deserves a happy, healthy mother, sister, or daughter. We continue to intensify our efforts to keep families together. Ating Dibdibin ang laban sa breast cancer,” ani Mayor Lani sa kanyang presentasyon sa harap ng mga hurado ng Galing Pook noong Miyerkules, Oktubre 23.

vuukle comment

TAGUIG­ CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with