^

Police Metro

158 lugar na biktima ni ‘Kristine’ isinailalim sa state of calamity

Joy Cantos - Pang-masa
158 lugar na biktima ni ‘Kristine’ isinailalim sa state of calamity
Lubog sa tubig baha at putik ang mga kabahayan sa Baao, Camarines Sur matapos hagupitin ng bagyong ‘Kristine’. “Natigil na ang ulan pero mas tumaas pa ang level ng tubig. Boats pa rin ang mode of transportation and rescue,”
Oliver Collins.

MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng National Di­saster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na umaabot na sa 158 lugar ang isinailalim sa state of calamity bunga ng matinding pinsalang tinamo sa paghagupit ng bagyong Kristine.

Sinabi ni NDRRMC Executive Director Undersecretary Ariel Nepomuceno, ang Bicol Region ang may pinakamara­ming bayan at lungsod ang inilagay sa state of calamity sa bilang na 78.

Kabilang naman dito, ayon pa sa opisyal ang buong lalawigan ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte at Catanduanes, gayundin ang bayan ng Bulan, Sorsogon.

Pumapangalawa naman ang rehiyon ng CALABARZON (Cavite,Laguna, Batangas, Rizal at Quezon)  sa Samar ay ang Calbayog; habang sa Eastern Samar ay ang mga bayan ng Arteche,San Policarpo, Oras, Maslog, Dolores, Can-a­vid, Taft, Sulat, San Julian, Borongan at Maydolong.

Idinagdag pa dito ang Dagupan City sa Pangasinan, Magpet, Cotabato; Alfonso Lista sa Ifugao, Quezon City at iba pang mga lugar.

Sa pamamagitan ng pagdedeklara ng state of calamity ay magagamit ang pondo sa Quick Response Fund upang mapabilis ang pagbibigay ng ayuda sa mga nangangailangang residente na labis na naapektuhan ng kalamidad.

vuukle comment

NATIONAL DI­SASTER RISK REDUCTION AND MANAGEMENT COUNCIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with