Death toll sa bagyong ‘Kristine’ nasa 46 na
MANILA, Philippines — Inihayag kahapon ng Office of Civil Defense (OCD) na umabot na sa 46 katao ang naiulat na nasawi dahil sa epekto ng Severe Tropical Storm Kristine.
Patuloy naman ang rescue workers na nakikipaglaban sa mataas na tubig-baha para mapuntahan ang mga residenteng na-trap sa mga bubungan ng kani-kanilang mga bahay habang patungo na sa karagatan ang direksyon na binabagtas ng bagyong Kristine.
“Many are still trapped on the roofs of their homes and asking for help,” ang sinabi ni Andre Dizon, police director for the hard-hit Bicol region, sa AFP.
“We are hoping that the floods will subside today, since the rain has stopped,” aniya pa rin.
Sinabi pa rin ni Dizon na ang kakapusan sa rubber boats ay “the greatest challenge” subalit mas marami naman ang paparating na.
Base sa data mula kay OCD administrator Undersecretary Ariel Nepomuceno, karamihan sa mga naiulat na nasawi ay mula sa Bicol Region na may 28, sumunod ang Calabarzon na may 15. Sinasabing tig-isa ang nasawi na naiulat mula sa Ilocos Region, Central Luzon, at Zamboanga Peninsula.
Sinabi pa ng OCD na may 20 katao ang naiulat na nawawala at pito naman ang naiulat na nasugatan dahil sa nabanggit na bagyo.
Samantala, sa naging talumpati naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., nagpahayag ito ng pakikiramay sa mga biktima ng bagyong Kristine.
- Latest