^

Police Metro

ACT-CIS umayuda ng higit 2K sako ng bigas at P1 milyong cash sa Bicol typhoon victims

Joy Cantos - Pang-masa
ACT-CIS umayuda ng higit 2K sako ng bigas at P1 milyong cash sa Bicol typhoon victims
Tinanggap ni Philippine Coast Guard Chief of Coast Guard Staff Rear Admiral Hostillio Arturo Cornelio ang P1 million cash donations at 1,000 sako ng 25 kilo ng bigas para sa mga biktima ni ‘Kristine’ mula sa tanggapn ni ACT-CIS Party­list Rep. Erwin Tulfo na kinatawan ng kanyang Chief of Staff, Jericho Javier, kahapon sa PCG Headquarters sa Port Area, Ma-nila.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nasa 2,000 sako ng bigas at P1 milyon ang ipinamahagi kahapon ni House Deputy Majo­rity Leader Erwin Tulfo at ACT-CIS partylist para sa mga nasalanta ng bagyong Kristine sa Bicol region.

“Ito po yung konting ambag namin ng ACT-CIS tsaka ng Erwin Tulfo Action Center para sa mga kababayan natin po na binaha, binagyo po jan sa Bicolandia para makatulong po sa mga kababayan natin doon,” ani Tulfo sa isang pahayag.

Kahapon, sa utos ni Rep. Tulfo, na isa ring PCGA Auxiliary Commodore, personal na nagtungo ang kanyang chief of staff na si PCGA Auxiliary Cdr. Jerico Javier, para personal na ihatid ang P1 milyong cash at 2,000 sako ng bigas sa mga opisyal ng Philippine Coast Guard (PCG).

Personal na donasyon naman ng magkapatid na Cong. Eric at Edvic Yap ang P1 milyon cash. Ipapakalat ng Coast Guard ang cash at bigas sa mga nasalanta ng bagyo sa Bicol region.

Samantala, nakipag- ugnayan din ang opisina ni Tulfo at ACT-CIS partylist sa tanggapan naman ng Angat Buhay Foundation ni dating Vice President Leni Robredo para naman sa karagdagang 500 sako ng bigas na ihahatid sa warehouse ng nasabing foundation sa Quezon City kahapon.

DONATION

TYPHOON

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with