P15 milyon quota para sa caroling ibinunyag ng dating miyembro ng KOJC
MANILA, Philippines — Isang dating miyembro ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na humarap kahapon sa senado na kailangan niyang gamitin ang mga bata sa pagkakaroling para lang maabot ang P15 milyon quota para sa Pasko.
Sa kanyang testimoniya sa pagdinig sa Senate committee on women, sinabi ni Teresita Valdehueza na ang pagkakaroling ang isa sa mga pinagkukunan ng pondo ng KOJC at lahat ng miyembro nito ay kailangang gawin ito.
“Naghirap ang maraming workers at members sa pag-caroling at pag-solicit sa bawat tao sa lahat ng dako dito sa ating bansa,” sabi ni Valdehueza.
“May namatay, may naaksidente, may nakulong, may mga na-rape pa na hindi na nai-report dahil baka hindi paniwalaan at baka makapag-fasting pa dahil may kasalanan na itinago kaya napahintulutang nangyari. Lahat may quota, ‘di ba. Napakasakit po sa damdamin ko dahil ako po ang namuno ng fund raisings,” dagdag pa niya.
“Meron din po akong quota na P10 to P15 million to raise in the month of December alone. I organized the nationwide caroling to meet my quota. We recruited and trafficked our young people from Mindanao and Visayas to carol in the provinces of Luzon and in the National Capital Region cities,” sambit pa niya.
Para maabot ang P15 milyong quota, kailangan umanong lumiban sa klase ng mga estudyante, Nobyembre pa lamang, para lang maibigay ang pangangailangan ng simbahan.
Pagkatapos ng Christmas Season, sinabi ni Valdehueza na kailangan namang magtinda ng mga miyembro ng kakakanin.
Sa mga buwan ng Pebrero hanggang Oktubre, ang ibang manggagawa naman ng KOJC ay kailangang mag-solicit sa pamamagitan ng iba’t ibang asosasyon nito sa buong bansa, tulad ng Pag-asa ng Buhay, Children’s Joy Foundation, Tulong sa may Kapansanan, Handog ng Pagmamahal, Pagdamay sa Dukha at Sheaver’s for Christ.
- Latest