^

Police Metro

VP Sara, ipinahamak ang sarili - Gadon

Doris Franche-Borja - Pang-masa
VP Sara, ipinahamak ang sarili - Gadon
Ito ang naging pahayag kahapon ni Presidential Adviser on Po­verty Alleviation Secretary Larry Gadon kasunod nang sinabi ni Duterte na hindi na siya makikipagtulungan kay Pangulong Bongbong Marcos at sa administrasyon nito.
The STAR / Michael Vargas

MANILA, Philippines — Ipinahamak lamang umano ni Vice President Sara Duterte ang kanyang sarili sa kanyang mga ikinikilos at sinasabi at pinatunayang wala siyang kakayahan na manilbilhan bilang VP ng bansa.

Ito ang naging pahayag kahapon ni Presidential Adviser on Po­verty Alleviation Secretary Larry Gadon kasunod nang sinabi ni Duterte na hindi na siya makikipagtulungan kay Pangulong Bongbong Marcos at sa administrasyon nito.

Iminungkahi ni Gadon sa Kongreso ang pagpapatanggal kay Duterte sa pamamagitan ng pagdedeklara rito bilang “incapacitated” o’ wala ng kakayahang gawin ang kanyang mga tungkulin at “nag-iimagine” pa itong pugutan ng ulo si PBBM.

Unang rekomendas­yon ni Gadon sa Makabayan Bloc ang impeachment proceedings laban kay Duterte, subalit sa kakulangan ng oras at panahon kaya pag­dedeklara ng “incapacitated” na ang gagawing batayan.

Sakaling madeklara na ‘incapacitated’ si Duterte maaari itong palitan sa puwesto ng Senate president.

LARRY GADON

SARA DUTERTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with