^

Police Metro

DILG: Bawasan ang bilang ng PNP generals

Gemma Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — “Bawasan ang bilang ng mga heneral sa Philippine National Police (PNP)”.

Ito ang inirekomenda ni Department of Interior and Local Government Secretary John Victor Remulla kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa kanilang sectoral meeting kahapon.

Ayon kay Remula, sa ngayon ay nasa 133 gene­ral ang PNP at balak niya itong gawin na lamang 25, dahil karamihan aniya sa mga heneral ngayon ay walang mga taong hinahawakan.

Dapat na rin aniyang bisitahin ang 32 year old na batas o ang civil service law kung saan kada tatlong taon ang promotions kaya dumarami ang bilang ng mga heneral dahil marami rin provincial directors ng PNP ang napo-promote.

Sa halip na kada tatlong taon ay nais ng kalihim na gawing kada limang taon ang promotions para maging he­neral.

Iginiit din ni Remulla na prayoridad ng kanyang liderato ang nasabing rekomendasyon kay Pa­ngulong Marcos at umaasa naman na hindi magkakaroon ng demora­lisasyon sa hanay ng mga heneral.

vuukle comment

DILG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with