Digong, Garma pinadadalo sa Senate drug war probe
MANILA, Philippines — Inimbitahan sina dating Pangulong Rodrigo Duterte at retired Police Colonel Royina Garma bilang isa sa mga resource person sa gagawing imbestigasyon ng Senado laban sa drug war sa Lunes.
Si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, ang mangunguna sa pagdinig ng Senate blue ribbon subcommittee. nakatakda sa alas-10:00 ng umaga.
Kinumpirma ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa kay Pimentel na nakahandang dumalo sa pagdinig si Duterte.
Sa isang panayam nitong Martes, na binanggit ang kanyang pakikipag-usap kay Dela Rosa, dating hepe ng pulisya ni Duterte.
Bagama’t isasama si Duterte sa listahan ng mga inimbitahang resource persons, nasa kanya pa rin kung tatanggapin o hindi ang imbitasyon ng panel, ani Pimentel.
Matatandaan na si Garma ang nagkumpirma sa imbestigasyon ng quad committee sa House of Representatives tungkol sa reward system sa mga makakapatay ng drug lord o drug addict.
Bukod kay Duterte at Garma, iimbitahan din sa pagdinig sina dating Sen. Leila de Lima, resigned National Police Commission chief Edilberto Leonardo, self-confessed drug lord Kerwin Espinosa, at mga pamilya ng mga biktima ng mga pagpatay sa madugong giyera sa droga.
- Latest