^

Police Metro

3 mag-utol patay sa tricycle vs motor

Doris Franche-Borja - Pang-masa
3 mag-utol patay sa tricycle vs motor
Illustration map of Sta. Rosa, Nueva Ecija.
GoogleMaps

Galing sa padasal ng namayapang kaanak

MANILA, Philippines — Namatay ang tatlong magkakapatid habang sugatan naman kanilang ama nang sumalpok ang sinasakyan nilang tricycle sa kasalubong na motorsiklo nitong Sabado ng gabi sa Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Kinilala ang mga nasawi na sina Marcus, 10; KL, 6; at Mikyla o Mikmik, 2, samantalang ginagamot sa ospital ang kanilang ama na si Michael Santillana. Hindi naman nasaktan ang isa pang anak ni Michael na si Liway, 3.

Batay sa imbestigasyon, nangyari ang insidente dakong alas-11:00 ng gabi nitong Sabado sa bayan ng Sta. Rosa, Nueva Ecija.

Sakay ni Michael sa kanyang tricycle ang apat na anak galing sa 40 days na padasal ng namayapa nilang kaanak nang bumangga sa isang motorsiklo.

Dinala pa sa ospital ang mga biktima subalit binawian din ng buhay.

Hindi naman matanggap ni Myla, misis ni Michael ang biglaang pagkawala ng kanilang tatlong anak.

Humihingi naman ng tulong-pinansyal ang ina ng mga bata para sa pagpapalibing sa tatlo nitong anak na hanggang ngayon ay hindi pa rin makapaniwala sa masaklap na trahedya.

vuukle comment

ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with